69

Jul 25, 2018 @ 18:50
By

Diyeta dito, diyeta doon: Pacquiao nagtiis nang labis

Nasikwat ni Manny Pacquiao ang WBA 147-pound belt, pero katakot-takot na diyeta ang ginawa niya para makuha ito.

Una, diyeta sa pinakamamahal niyang basketball. Pangalawa, ang pang-relax na paglalaro ng chess tuwing gabi, diyeta rin ang Pambansang Kamao.

Kwento ng magka-kwarenta nang si Pacquiao, kailangan niyang saglit na kalimutan ang ilang bagay na mahal na mahal niya habang nasa training camp bago ang laban kay Lucas Matthysse noong nakalipas na Hulyo 15.

“That was the hardest training camp we had, I tell you. I had to deprive myself of things I used to do in my previous fights, like playing basketball and chess at nights. According to Buboy and rest of the team those things had served as distractions in my past preparations,” balik-tanaw ni Pacquiao, may 60-7-2 win-loss-draw card kasahog ang 39 KOs.

Bukod sa basketball at chess, diyeta rin sa paglalaro ng bilyar at darts si Pacquiao. Pati raw ang ibang responsibilidad sa Senado at sa personal na aspeto, nagdiyeta rin siya.

“I complied to all those restrictions as part of the change I myself had initiated to recover from past mistakes that cost us what could have been easy wins. Playing billiards and darts were also not permitted. Even my duties and responsibilities were reduced to the minimum,” panapos nito. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?