56

By

Divorce survey, dapat pakinggan – Alvarez

Dapat umanong bigyan bigat ng mga mambabatas at ng Simbahang Katolika ang resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey kung saan lumabas na lima sa bawat sampung Pilipino ang pabor na magkaroon ng diborsyo sa Pilipinas.

Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, muling pinatunayan ng naturang survey na napapanahon nang maisabatas ang divorce bill.

Sabi ni Alvarez, nauna na nilang napulsuhan ang mga Pilipino sa usapin ng diborsyo sa mga public hearings at konsultasyon ng komite ng Kamara.

“Kagaya na lang ng mga OFW ano, nagcommittee hearing yung committee natin..talagang umiiyak,” ani Alvarez.

Iginiit ng Speaker na wala nang dahilan para hadlangan ang diborsyo dahil ang Pilipinas na lamang ang wala nito maliban sa Vatican na hindi naman anya ito kailangan.

Nakasalang na sa debate sa plenaryo ang panukalang divorce at dissolution of marriage.

Target ng Kamara na maaprubahan ito bago ang Holy Week break ng Kongreso ngayon Marso para mai-akyat na ang bill sa Senado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?