217
divorce
Mar 9, 2018 @ 21:45

Divorce law, aprub sa mayorya ng Pinoy – SWS

Pabor ang karamihan ng mga Pinoy na magkaroon na ng batas sa diborsiyo.

Lumabas sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) noong March 2017 at December 2017 na suportado ng mahigit 50 percent ng mga Pinoy ang pagsasabatas ng divorce.

Ayon sa SWS, 53 percent ng mga respondent ay sang-ayon na payagan na makapag-divorce ang hindi magkasundo na mag-asawa para mabigyan ng pagkakataon na muling makapagpakasal.

Nabatid na 32 percent ng mga respondent ay tutol sa diborsyo kabilang dito ang 22 percent na sumagot ng “strongly disagree” at 10 percent na “somewhat disagree”.

Nasa 15 percent ang nagsabing wala pang desisyon kung pabor o hindi sa diborsyo.

Kasalukuyan tinatalakay sa Kongreso ang kontrobersyal na panukalang batas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?