47
divorce
By

Divorce bill, umarangkada na sa plenaryo ng Kamara

Inisponsoran na sa plenaryo ng Kamara ng mga kongresista ang absolute divorce and dissolution of marriage bill.

Pinangunahan nina Albay Rep. Edcel Lagman, Taguig City Rep. Pia Cayetano at Gabriela Rep. Emmi de Jesus ang sponsorship sa kontrobersiyal na panukala. Ang tatlo ay kabilang sa mga may-akda ng panukalang diborsyo.

Hiniling ng mga kongresista na agad nang pagtibayin ang panukala na matagal na anila dapat naisabatas sa Pilipinas.

Muling iginiit ni Lagman na hindi binabalewala ng diborsyo ang kasagraduhan ng kasal.

Sinabi naman ni De Jesus na hangad lamang ng panukala na maglaan ng mas mabilis at mas abot-kayang remedyo para sa mag-asawang may problema sa pagsasama at malabo nang magkasundo pa.

Pero sa panig ng anti-divorce, binigyang diin ni Buhay partylist Rep. Lito Atienza na makasisira ito sa pamilyang Pilipino.

Naging mabilis ang usad ng panukala sa plenaryo dahil agad naisara ang period of interpellation and debate dito. Agad na rin sanang isusunod ang period of amendments pero inalmahan ito ng ilang kongresista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?