275

Feb 5, 2020 @ 13:55
By

Divorce bill pasado na sa House panel

Aprubado na sa panel sa Kongreso ang House Bill No. 100 o ang Absolute Divorce Bill of 2019 nitong Miyerkoles.

Sa pagdinig ng House committee on population and family relations inaprubahan ang nasabing bill, at gumawa ng isang technical working group (TWG) para makuha ang ibang mga proposal at mungkahi mula sa iba’t ibang resource person.

Ang bill ay inakda ni Albay 5th District Rep. Edcel Lagman, at wala namang nag-object sa mosyon ng kongresista bago ito aprubahan ni Guimaras Rep. Ma. Lucille Nava.

Ang TWG ay mangangasiwa para pagsamahin ang bill ni Lagman sa iba pang divorce bill na sinulong naman nina Gabriela Rep. Arlene Brosas at Davao del Norte 1st District Rep. Pantaleon Alvarez.

“Itong (This) technical working group, I will convene it most probably by next week, depending on the availability of the members, or [the] week after next. But definitely within the month of February, this will be approved already, with a corresponding committee report,” ayon kay Lagman.

Ilang mga grupo ang ayaw maipasa ang divorce sa Pilipinas, na tanging bansa na lang kasama ang Vatican City na walang batas ukol dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?