169
divorce1
By

Divorce bill, ok na sa Kamara

Pinagtibay na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang absolute divorce and dissolution of marriage bill.

Sa botong 134-57-2, inaprubahan sa plenaryo ang House Bill 7303.

Itinuloy ng Kamara ang botohan sa kabila nang pahayag ng Malakanyang na ayaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng diborsyo sa Pilipinas.

Iaakyat na sa Senado ang divorce bill bagama’t wala pa itong counterpart bill doon.

Ang HB 7303 ay pinagsanib na bersiyon ng 4 na panukala kasama ang iniakda ni Speaker Pantaleon Alvarez.

Iginiit ng mga proponent ng absolute divorce and dissolution of marriage, magbibigay ito ng pagkakataon sa mga mag-asawa na lumaya sa hindi na maayos na pagsasama.

Pero para sa mga kontrang kongresista, labag ito sa Saligan Batas at makasisira umano sa pundasyon ng pamilyang Pilipino.

Kabilang sa grounds par sa diborsyo ang pananakit ng asawa, pagiging lulong sa iligal na droga, alak at sigarilyo, gayundin ang sapilitang pagsabak sa asawa sa prostitusyon.

Basehan din dito ang limang taon nang hindi pagsasama ng mag-asawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?