divorce-bill
By

Divorce bill, aprub sa 2nd reading sa Kamara

Sharing is caring!

Pasado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang absolute divorce and dissolution of marriage bill.

Ang House Bill 7303 ay pinagsama-samang apat na magkakahiwalay na panukala ng mga kongresista.

Sa ilalim ng panukala, ginamit na grounds ang kasalukuyang mga basehan sa ilalim ng batas para sa legal separation at annulment o nullification of marriage.

Kabilang dito ang pambubugbog, pagpilit sa asawa na magpalit ng relihiyon at political affiliation, alcoholism, drug addiction at anim na taong pagkakulong habang isinama na rin ang chronic gambling. Puwede na ring magdiborsiyo kung limang taon nang hindi nagsasama ang mag-asawa.

Makakapag-avail ng serbisyo ng court appointed lawyer, social worker, psychiatrist at psychologist ang indigent divorce petitioner. Libre rin ang filing fee kung indigent.

Base sa proposal ni Speaker Pantaleon Alvarez, ituturing na indigent ang isang petitioner kung ang kabuuang halaga ng ari-arian nito ay nasa P5 milyon lamang o mas mababa pa rito.

Magkakaroon din ng summary proceeding para mapabilis ang proseso ng diborsiyo.

Sa usapin ng alimony, nagtakda ng opsiyon ang komite na puwede itong bayaran ng one-time payment o periodic payment depende sa kasunduan ng magkabilang panig at kakayahan ng partido na kailangang magbayad nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?