10

Sep 26, 2020 @ 17:55
By

Divisoria tinadtad ng CCTV

Dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga mamimili partikular na ngayong Kapaskuhan at bilang pagbibigay seguridad, pinalibutan ng CCTV camera ng Manila Police District (MPD) ang nasabing lugar.

Ayon sa MPD, nasa 16 na CCTV camera ang inilagay sa kahabaan ng Recto Avenue mula Dagupan Street hanggang Elcano Street.

Donasyon ang nasabing mga CCTV camera ng Manila Chinese and Action Team na binubuo ng mga negosyanteng Filipino-Chinese.

Bukod sa mga CCTV, nagkabit din ng mga public address speaker sa lugar upang makapagbigay-paalala sa publiko sa mga ipinatutupad na mga health protocol gaya ng pagsusuot ng face mask.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?