41

Jan 18, 2021 @ 22:06
By

Diving magpapalakas sa pagbawi ng turismo – Puyat

Nakikita ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na mapapataas ng dive tourism ang pagsisikap na ibangon ang pinakamalubhang tinamaan ng pandemya na sektor.

“The Philippines as an archipelago, at the center of the coral triangle, is home to biologically diverse marine and aquatic resources. We are proud to have a dive destination that has it all,” ani Puyat sa Dive Philippines webinar series.

Sa kasalukuyan aniya ay mayroong 300 dive sites ang Pilipinas, ilan sa mga ito ay kinilala sa mundo kabilang na ang Tubbataha Reef Natural Park sa Palawan, Apo Reef Natural Park sa Occidental Mindoro, Malapascua Island sa Cebu, Anilao dive sites sa Batangas at Verde Island Passage sa Puerto Galera.

Noong nakaraang taon ay nanalo rin ang Pilipinas bilang “World’s Leading Dive Destination” sa 27th World Travel Awards. Tinalo ng Pilipinas ang Maldives, Fiji at Mexico.

“It is no wonder that diving and marine sports are considered one of our country’s top tourism products and attractions. Most of the flourishing tourism activities available in the country today are water-based – from adventure to eco-tourism activities such as snorkeling, diving, and surfing,” dagdag ng DOT chief.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?