37

By

Disyembre 26 at Enero 2, walang extra pay – Palasyo

Walang aasahang ‘extra pay’ ang mga manggagawa sa pribadong sektor na papasok ngayong Disyembre 26, 2017 at Enero 2, 2018.

Ito ang ginawang paglilinaw ni Presidential Spokesman Harry Roque sa harap ng walang pasok sa mga mga tanggapan sa ehekutibo.

Ayon kay Roque, hindi public holiday ang mga nabanggit na petsa at ito ay para lamang sa mga nasa ehekutibo.

“Ito po’y iyong walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno lamang. Ang mga pribadong sektor naman po ay hinahayaan ng Palasyo kung ano ang magiging desisyon ng mga kumpanya at iba pang employer,” ani Roque.

Kasama aniya sa mga walang pasok ang mga local government unit para magkaroon ng sapat na pagkakataon ang nga ito na makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay ngayong holiday season.

“Kasama po ‘ yan ‘no (LGUs) . Ang hindi lang po covered ay iyong mga independiyenteng sangay ng gobyerno na dapat naman pong sila ang magdesisyon diyan, lehislatura at saka ‘yung hudikatura,” dagdag pa ni Roque.

Nagkakaroon ng kalituhan sa Disyembre 26, 2017 at Enero 2, 2018 lalo pa at nagpaalala ang Department of Labor ng tamang babayaran sa mga papasok ngayong holiday season.

Ang tanging pista opisyal ngayong buwan ay ang Disyembre 25 at Disyembre 30.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?