133

By

Distrito ninombrahan ni Pacquiao na MPBL deputy commissioner

Balik sa mahal niyang sport si Philippine Basketball Association legend Rodolfo ‘Rudy’ Distrito tapos ng halos 2 dekada.

Kilala sa moniker niyang ‘The Destroyer’ dahil sa mapisikal at maintensidad na depensa sa kanyang panahon, tinapik ang ngayo’y 60-anyos na tubo at nakabase sa Bacolod City na Deputy Commissioner for Security ng Maharlika Pilipinas Basketball League.

Nirekomenda ang 5-foot-11, 15-year PBA journeyman (1981-1995) at naglaro rin sa San Juan Knights sa Metropolitan Basketball Association ng kinupkop na anak ng Bacolod na si MPBL owner, boxing icon Sen. Emmanuel Pacquiao.

Si Distrito ay kambal na utol ni Brgy. Singcang-Airport Capt. Ronnie Distrito at tiyo ng incumbent ng kasalukuyang kapitan ng nabanggit na Brgy. na si Rosinie Distrito at ni Bacolod City Councilor Caesar Dsirtito.

“Welcome back kay Mr. Dsitrito,” ani MPBL Commissioner Kenneth Duremdes na naghayag ng appointment ni Distrito, na mamamahala sa kaayusan at kaligtasan ng liga sa mga laro, pati na sa mga manonood.

Naglaro si Distrito sa PBA anim na prangkisa sa PBA sa Crispa ng mga Floro noong 1982-82, Manhattan, Sunkist/Winston/Country Fair ng mga Coseteng nung 1983-84, Gold Eagle/Magnolia ng mga Soriano noong 1984-85, Alaska ng mga Uytrengsu nung 1986, at Swift/Sunkist ng mga Concepcion (1992-95).

Huli siyang nakita sa MBA saka nagretiro noong 1999 at nanirahan sa Estados Unidos kung saan nasangkot sa isang krimen bago naging parolado ilang taon na ang nakalilipas at nagbalik-Pinas. (Ramil Cruz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?