277

Aug 16, 2019 @ 18:49
By

District director ng EPD, pinalitan ni Eleazar

Naganap nitong Biyernes ang turnover at change of command ceremony para sa pagpapalit ng bagong district director ng Eastern Police District (EPD).

Uupo bilang EPD director si PBGen. Johnson C. Almazan kapalit ni outgoing district director PGen. Nolasco Bathan na nanilbihan sa EPD ng mahigit isang buwan.

Naitalaga naman si Bathan bilang district director ng Southern Police District (SPD).

Pinangunahan ni NCRPO PMGen. Guillermo Eleazar ang change of command ceremony para sa pag-upo ni Almazan, na dating hepe ng Caloocan City Police noong 2016.

Sa naganap sa turnover ceremony, binigyan ng parangal ni Eleazar si Bathan sa mga nagawang pagbabago sa loob ng tanggapan ng EPD kasabay ng pagbibigay ng paalala kay Almazan na mas ayusin pa ang katayuan ng EPD at ipagpatuloy ang ipinatutupad na internal cleansing sa mga pulis ng Pasig, San Juan, Mandaluyong at Marikina City.

Kaugnay nito, nagpalit din ng chief of police ang Mandaluyong sa ilalim ni PCol. Remigio Sedanto, Pasig City PCol. Moises Villaceran, San Juan PCol. Ariel Fulo, Marikina PCol. Restituto Arcangel.

Nasa pang limang turnover na ang naganap sa EPD na kung saan unang pinalitan si Gen. Biay, Gen. Corpuz, Gen. Balba, Gen. Tambungan at Gen. Bathan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?