23

By

District collector ng MICP pinasisibak ni Lapeña

Sharing is caring!

Kasunod ng nadiskubreng shabu na nagkakahalaga ng P3.5 billion, inirekumenda ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Isidro Lapeña ang pagsibak sa district collector ng Manila International Container Port (MICP).

Dagdag pa ni Lapeña, iniutos na rin niya ang pagkansela sa accreditation ng SMYD Trading.

“On August 10, I have ordered the revocation the accreditation of SMYD Trading. As a matter of procedure, I have recommended the relief of the district collector of MICP.

“We will file the appropriate charges against the importer, SMYD trading and the customs broker that facilitated this shipment,” saad ni Lapeña.

Ang SMYD Trading ang consignee umano ng apat na magnetic lifters na naglalaman ng iligal na droga na nadiskubre sa Cavite noong August 8.

Nadiskubre ito ng mga otoridad makaraang iutos ng BOC ang backtracking sa shabu shipment na nadiskubre sa MICP na naka-consign sa Vecaba Trading.

Ang SMYD na may office address sa UN Avenue sa Maynila ay isang aktibong importer at mayroon itong rekord na 140 importation mula Enero hanggang Hulyo 2018.

“The consignee of the shipment was identified as SMYD Trading with office address at 6th floor, Suite 605A Victoria Building, 4239 UN Avenue, Barangay 666, Manila. Based on record, SMYD trading is an active importer with 140 importations from January to July 2018 and all their importations were tagged red and that means they will pass have to go through the x-ray,” paliwanag ni Lapeña.

Kasabay nito, binigyang diin ni Lapena ang kahalagahan ng palitan ng impormasyon sa pagitan ng mga ahensya ng gobyerno.

“The collaboration among all law enforcement agencies involved in the country’s fight against drugs is invaluable. This is the only key to our collective success. As I mentioned, we are fighting a war against a sophisticated, well-funded syndicate that have clearly developed methods and utilize tools to prevent detection by our scanners,” dagdag ni Lapeña.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?