87

By

Dissolution of marriage bill nakabitin sa Kamara

Sharing is caring!

Target aprubahan ng Kamara sa Enero ang panukala para sa mas madaling dissolution of marriage.

Ayon kay Speaker Pantaleon Alvarez, dapat sana ay ngayong Disyembre na ito ipapasa pero ipinagpaliban muna dahil sa kahilingan ng ilang kongresista.

“Ang original na schedule ko talaga before the Christmas break kasi para naman regalo doon sa mga nagdudusa na mga kababayan, especially mga OFW (overseas Filipino workers),” sabi ni Alvarez.

“Kaya lang nag-request yung mga committee members na kung pwede bigyan pa ng ilang araw dahil nga ang dami nilang natutunan doon sa mga committee hearings,” dagdag ng Speaker.

Inihain ni Alvarez ang House Bill No. 6027 o “An Act Providing for Grounds for the Dissolution of a Marriage” na naglalayong gawing grounds ng pagpapawalang bisa ng kasal ang “irreconcilable differences” o “severe and chronic unhappiness”.

Kumpara sa annulment, mas mapapadali ang paghihiwalay ng mga mag-asawa sa ilalim ng dissolution of marriage dahil kailangan lamang ang pag-sang-ayon ng dalawang panig para mapawalang bisa ang kasal. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }