13
fertilizer
By

Dismissal sa kaso ng Leyte solon, nanay nito, pinanindigan ng Sandigan

Sharing is caring!

Ibinasura ng Sandiganbayan ang apela ng Ombudsman na irekonsidera ang dismissal sa mga kaso ni Leyte Rep. Jose Carlos Cari at kanyang ina na si Baybay City Mayor Carmen Cari kaugnay ng fertilizer fund scam.

Sa pitong-pahinang resolusyon, tinanggihan ng anti-graft court Second Division ang motion for reconsideration ng prosekusyon dahil sa kawalan ng merito.

“After taking a hard look at the motion for reconsideration, we found it to be without merit as they have been squarely addressed in their Consolidated Comment/Opposition dated 22 September 2017 on the motion to dismiss,” ayon sa korte.

“Suffice to say, plaintiff has not demonstrated that the Court should reconsider its resolution. Plaintiff has merely rehashed the same arguments that the Court has already passed upon and considered,” saad pa sa resolusyon.

Kinasuhan ang mag-inang Cari ng tig-dalawang bilang ng kasong graft at malversation of public funds dahil sa umano’y pinaborang Castle Rock Construction para sa supply ng 600 galon ng foliar liquid fertilizers nang walang public bidding.

Ayon sa Ombudsman, labag sa Government Procurement Reform Act ang kontrata na nagkakahalaga ng P2.94 million, na binayaran ng dalawang bagsakan noong Abril 2004 at Enero 2005 kung kailan kongresista pa si Carmen habang alkalde naman si Jose.

Pero kinatigan ng korte ang motion to dismiss ng dalawa dahil inabot ng halos 12 taon bago naihain ang kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?