99

Oct 30, 2017 @ 16:09

Dismissal order kay Mayor Mabilog, inilabas na

Naisilbi na ng Department of Interior and Local Government ang dismissal order laban kay Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog.

Mismong si DILG regional director Attorney Anthony Loida ang nagbigay ng dismissal order base sa kautusan ng Office of the Ombudsman.

Hindi na naman ito natanggap mismo na ang alkalde dahil wala ito sa sa bansa. Inilagay ang dismissal order sa labas ng tanggapan ni Mabilog.

Si Mabilog ay umalis ng bansa noong Agosto 30 para sa isang official trip sa Japan at Malaysia. Naghain din ito ng sick leave para sa kanyang medical treatment abroad noong Setyembre. Na-extend ang leave nito hanggang Oktubre.

Noong Lunes, nanumpa na si Vice Mayor Jose Espinosa III bilang city mayor ng Iloilo City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?