41

Oct 27, 2017 @ 16:27

Dismissal ni Iloilo Mayor Mabilog, kinumpirma ng Ombudsman

Kinumpirma ngayong araw (Biyernes) ng Ombudsman ang pagpapatalsik kay Iloilo City Mayor Mabilog matapos siyang mapatunayang guilty ng ‘serious dishonesty’.

Sa official Twitter account ng Ombudsman, sinabi doon na ang desisyon ay inaprubahan ni Overall Deputy Ombudsman M. Carandang noong Oktubre 6, 2017.

Inatasan din ng Ombudsman ang Department of the Interior and Local Government na agad na ipatupad ang dismissal order.

Inilabas ang hatol matapos akusahan si Mabilog ng pagkabigo nitong ideklara ng tama ang kanyang Statement of Assets Liabilities and Networth (SALN)

Si Mabilog ay binasagan ni Pangulong President Rodrigo Duterte na isang narco-politician.

Umalis siya ng bansa nitong nakaraang buwan sa takot na siya na susunod na politiko na inuugnay sa droga na mamatay sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?