122
risa-hontiveros
By

Dismissal ng kaso vs Espinosa, Lim pabor kay de lima – Hontiveros

Sharing is caring!

Huwag ang giyera kontra droga ng Duterte administration at patunay ang pagbasura ng kaso laban kina Peter Lim, big time drug lord ayon kay Pangulong Duterte, at Kerwin Espinosa, self-confessed drug dealer.

Ito ay ayon kay Senadora Risa Hontiveros na kasapi ng oposisyon sa Senado.

Ayon sa senadora, habang libo-libo na ang pinatay na mahihirap dahil sa umano’y pagbebenta at paggamit ng ilegal na droga, pinaliligtas naman sa kaso ang malalaking tao.

Si Peter Lim ay kumpare ng pangulo habang ginamit naman si Espinosa na testigo laban kay Senadora Leila de Lima na kairingan ng pangulo.

“I guess it pays to be Kerwin or in the case of Mr. Lim, the President’s kumpare,” ayon kay Hontiveros.

Sa isang banda, sinabi ni Hontiveros na pabor naman lahat ng ito kay De Lima dahil hihina ang kaso laban dito.

Ipinunto na isa si Espinosa sa mga testigo sa diumano ay kaugnayan ni De Lima sa big time drug dealers.

Sa pagharap sa Senado, sinabi ni Espinosa na nagbigay siya ng P8,000,000 drug money para sa kampanya ni De Lima na kandidato noong 2016 sa pagka-senador.

“Lest we forget, Espinosa claimed that he gave Senator Leila de Lima a total of P8 milyon for her senatorial campaign through her former driver, Ronnie Dayan,” aniya.

“If Espinosa’s statement against Sen. De Lima is not true, the same might be said of the other charges,” dagdag ng senadora.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?