25

By

Disiplina sa mga drayber, target ng MMDA

Sharing is caring!

Nilinaw ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na hindi nila layon na mapabilis ang daloy ng mga sasakyan sa kahabaan ng EDSA kaya’t hinigpitan nila ang pagpapatupad ng Yellow-Bus at Motorcycle Lanes.

Sinabi ni MMDA Assistant General Manager for Planning Jojo Garcia, na gusto nilang magkaroon ng disiplina ang mga driver na bumabagtas sa EDSA at magkaroon ng kaayusan sa pagbiyahe.

Aminado ito na bunga ng napakaraming sasakyan, hindi nila mapapabilis ang pagbiyahe sa EDSA.

“But at least now we have a system. The MMDA’s target is for drivers to have discipline. We’re not saying we’d be able to increase the travel speed, though we have improved the travel time of the buses through the yellow lane,” ani Garcia.

Samantala, hanggang alas-12:00 ng tanghali kahapon, 134 motorcycle riders ang nahuling lumabag sa motorcycle lane at 427 naman sa paglabag sa yellow lane. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?