113

Nov 13, 2019 @ 19:16
By

Disiplina Muna campaign set na sa Marikina

Welcome para kay Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro ang “Disiplina Muna” campaign ng Department of Interior and Local Government (DILG) para sa matagumpay na implementasyon ng road clearing operations sa bansa.

Ayon kay Teodoro, na unang nakakuha ng mataas na marka sa DILG dahil sa “high-compliance” ng road clearing operations, “ang ginagawa naming ito ay hindi naman para lang sa DILG, o dahil uso o inutos. Ginagawa namin ito dahil ito naman talaga ang kailangan. Ito rin ‘yung dine-demand sa amin ng mga tao dito sa Marikina.”

Sinabi naman ni DILG Sec. Eduardo Año, matapos ang Maynila ay nakatakda na sa Marikina ang kampanya.

“Isasabay namin sa isang activity kung saan isho-showcase ng Marikina ang best practices nila. Hindi naman paunahan ang laban pero kundi sino ang magsu-sustain,” paliwanag ni Año.

Wala pang nakatakdang petsa kung kailan ito sisimulan pero maaari raw na bago matapos ang taong 2019 ay mailulunsad din ito.

Naniniwala si Teodoro na ang lungsod ang mas magiging matagumpay sa discipline campaign ng DILG dahil maliit lamang ang Marikina kumpara sa Maynila kung saan unang sinimulan ang programa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?