20
views

By

Disiplina, determinasyon isasargo ni Biado

Sharing is caring!

Kasunod ng pagtumbok sa kauna-unahan niyang World 9-Ball title kamakailan, lalo pang magiging disiplinado at determinado si Carlo Biado sa mga preparasyong lalahukang lolal at internasyunal na kompetisyon sa larangan ng bilyar.

Patuloy sa pag-eensayo ang 34-anyos na si Biado para hindi mangalawang sa pagtumbok kabilang ang pagdepensa sa kanyang World 9-Ball crown ngayong 2018.

“Itong nagdaang 2017 puro blessings tayo. Kaya patuloy ako sa pag-eensayo para sa mga Pinoy fans,” kuwento ng manunumbok.

Dinaig ni Biado ang kababayang si Roland Garcia, 13-5, sa pinale ng 2017 WPA World 9-Ball tilt nitong Disyembre sa Doha, Qatar upang mapabilang sa mga alamat ng Pinoy billiards na sina Efren ‘Bata’ Reyes, Francisco ‘Django’ Bustamante, Alex ‘The Lion’ Pagulayan at Ronnie Alcano bilang mga natatanging Filipino World 9-Ball champions.

“Sobrang daming hriap dinaanan ko, madaming mga talo, pero hindi ako sumuko at nakuha natin (world title),” saad pa ni Biado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?