166

Nov 8, 2017 @ 16:25
By

Disenteng pabahay sa ‘Yolanda’ survivors, hiling ng kongresista

Hinimok ni Leyte Rep. Yedda Marie Romualdez ang Kongreso na paglaanan ng pondo ang housing units, potable water, kuryente at iba pang pangangailangan ng mga biktima ng bagyong Yolanda.

Ginawa ni Romualdez ang apela sa ika-4 na taong paggunita sa pananalasa ng bagyong Yolanda sa Visayas.

Ito’y sa harap na rin ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na panagutin ang mga nasa likod ng mabagal na implementasyon ng proyekto para sa pabahay at substandard na housing units sa mga lugar na sinalanta ng super typhoon.

Sentimyento ng kongresista, hanggang ngayon ay marami pa ring biktima ng kalamidad ang walang maayos na tirahan habang marami pa rin ang nananatili sa danger zones.

Iginiit nito na panahon nang tugunan ng Kongreso ang napakalaking housing backlog.

Pakiusap ni Romualdez, madaliin at pagtulungan ang pagtatayo ng disenteng pabahay para sa Yolanda survivors.

“I appeal to the government to expedite the construction of decent housing for Yolanda survivors.

Let us work together in the quickest and most direct route to achieve this goal,” apela ng kongresista. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?