62

Oct 12, 2021 @ 19:07
By

‘Disco Moreno’ parody binuhay matapos 9 taon

‘Disco Moreno, versus Alfredy, control your temper so don’t be angry.’

Ito ang nakaka-last song syndrome o LSS na linya mula sa parody song na ‘Disco Moreno versus Alfredy’ ni Sir Rex Kantatero, isang radio dj at vlogger.

Ang parody song ay ginawa ni Sir Rex para sa palabas na ‘Gag U’ siyam na taon na ang nakakaraan sa kasagsagan ng alitan nina Mayor Isko Moreno at yumaong dating mayor Alfredo Lim.

Ang kantang ‘Call Me Maybe’ ni Carly Rae Jepsen ang pinaggayahan ng tono nito.

Ngunit laking gulat ng mga netizen, maging ni Sir Rex, nang magviral uli ang parody song sa tulong ng social media partikular ang TikTok.

Ito ay sa gitna na rin ng pagkandidato ni Moreno bilang pangulo sa 2022.

Katunayan, ang pinaka-video ng parody na nasa YouTube ay bigla na lang lumagpas sa 1 million views sa loob lang ng ilang araw.

Ang pinakasikat na video na bumuhay sa parody song ay ang video ni Moreno na sumasayaw. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?