52

Oct 23, 2017 @ 11:42

Disbarment sa mga miyembro ng Aegis Juris — solon

Dapat lang na matanggalan ng lisensiya ang mga abogadong miyembro ng Aegis Juris Fraternity na kasama sa tangkang pag-cover up sa pagkamatay sa hazing ni Atio Castillo.

Ayon kay Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy, may-akda ng anti-hazing bill, hindi dapat palampasin ang pananagutan ng mga natukoy na miyembro ng Aegis Juris Fraternity na gustong maghugas-kamay sa pagkamatay ni Castillo.

Hinimok ni Herrera-Dy ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) at Korte Suprema na maglunsad ng motu proprio administrative investigation sa mga abogadong ito para ma-disbar sila at hindi na makapag-practice ng abogasya.

“I urge the Integrated Bar of the Philippines and the Supreme Court of the Philippines to conduct motu proprio administrative investigation of the said lawyers and preventively suspend these lawyers from the practice of the legal profession while their investigation is pending,” giit ni Herrera-Dy.

Nanawagan din ang kongresista sa Department of Justice na ilagay ang mga abogado sa lookout watchlist ng Bureau of Immigration para mabantayan ang kanilang galaw sakaling lumabas ng bansa.

“If and when those lawyers are formally charged and preliminary prosecutorial investigation is underway, perhaps a hold departure order would be proper to make sure those lawyers do not flee,” dagdag ng kongresista.

Nabuko ang planong pagtakpan ang nangyari kay Atio dahil sa social media chat ng grupo. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?