18
ABANTE nilo divina ust law dean disbar atio sc
By

Disbarment laban kay Dean Divina, 20 pa umusad na

Sharing is caring!

Sinimulan na ng Korte Suprema ang proseso sa disbarment laban kay UST Faculty of Civil Law Dean Nilo Divina at 20 iba pang abogado na miyembro ng Aegis Juris Fraternity kaugnay sa cover up sa hazing sa freshman student na si Horacio “Atio” Castillo III.

Sa notice ng Supreme Court En Banc na ipinadala sa tanggapan ni Senador Migz Zubiri, binigyang-diin na itinuturing na bilang reklamo ang sulat na ipinadala ni Senador Panfilo Lacson para sa motu propio action sa mga miyembro ng Bar na sinasabing sangkot sa cover-up.

Bukod kay Divina, kasama sa reklamo ang mga abogadong sina Marvi Abo, Alston Kevin Anarma, Edzel Bert Canlas, Cecilio Jimeno, Ferdinand Rogelio, Eric Fuentes, Cesar Ocampo Ona, Gaile Dante Caraan, Gem Dimaculangan, Alfonso Verzosa, Henry Pablo Jr., Jet Villaroman, Cesar dela Fuente, Nino Kjell Servanez, Manuel Angelo Ventura III, Michael Vito, Arthur Capili, Irvin Joseph Fabella, Edwin Uy at Allan Christopher Agati.

Sa notice na pirmado ni Clerk of Court Felipa Anama, binigyan ng En Banc ang mga respondent ng 10 araw para sumagot sa reklamo.

Nakasaad din sa kautusan na bibigyan ng kopya ng reklamo at ng mga attached documents ang Civil Service Commission maging ang Development Bank of the Philippines para sa kanilang mga kaukulang aksyon sa mga tauhan nilang sina Pablo at Caraan.

Sa rekomendasyon ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na nagsagawa ng pagdinig sa kaso ni Atio, iginiit ang disbarment sa mga abogadong nagtangkang pagtakpan ang kaso batay sa mga nakitang chat messages ng kanilang grupo. (Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?