45

Oct 22, 2017 @ 13:54

I-disbar ang mga lawyers ng Aegis Juris frat – Zubiri

Dapat umanong tanggalan ng lisensya ang mga abogado na sangkot sa pagpaplano para pagtakpan ang mga fraternity member na sangkot sa hazing, ayon kay Senador Juan Miguel Zubiri.
“Nakakalula, nakakainis, nakakagalit, uminit ang ulo ko. Dapat ma-disbar ang mga ito at kasuhan ng obstruction of justice,” ani Zubiri.
Nanawagan naman ang senador sa Korte Suprema para paaalisin muna kahit pansamantala sa trabaho ang isa sa mga staff nito na lumutang na myembro ng Aegis Juris na kasama umano sa pagpaplano ng cover-up.
Tinutukoy si Atty. Ronald Cheng na nagtatrabaho sa Office of the Clerk of Court ng second division ng Korte Suprema.
Sa nalantad na pag-uusap ng mga fraternity members sa Facebook chat group, sinabi diumano ni Cheng na sineguro niyang hindi abot ng CCTV camera ng baranggay ang paglalabas ng katawan ni Castillo mula sa fraternity library papunta sa sasakyan na naghatid dito sa ospital. (Isaac Mendez)
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?