35

By

Disaster Department apurahin! – Arroyo

Sharing is caring!

Pinamamadali na ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang paglikha ng Disaster Department para sa agarang pagtugon sa pananalasa ng bagyo o anumang kalamidad sa bansa.

Nagtungo si Arroyo sa Marilao, Bulacan para mamahagi ng tulong sa harap ng inaasahang pananalasa ng bagyong Ompong.

Nakita ni GMA ang maraming kakulangan tulad ng mabagal na pagdating ng impormasyon kaugnay sa eksaktong pagtama ng bagyo sa Aurora at ang problema sa kakulangan ng mga truck ng DSWD para sa paghahatid ng relief goods.

Ayon sa Speaker, “full-time” dapat ang trabaho kapag may ganitong bagyo.

Hindi anya pwede na ibigay ang tungkulin sa disaster preparedness sa ibang kagawaran dahil mahahati ang trabaho ng mga kalihim.

Hindi rin anya dapat iasa kay Defense Sec. Delfin Lorenzana ang ganitong tungkulin dahil abala ito sa problema ng bansa sa insurgency at terorismo gayundin ang DSWD na abala naman sa mga problema ng mahihirap na komunidad.

Binigyang diin pa ni Arroyo na para mas maging maagap ang gobyerno sa pagtugon sa kalamidad ay panahon na para magkaroon ng kalihim na full-time na tututok sa disaster preparedness.

“If there was a full time secretary then you would not need four secretaries to be there. They’re doing as best they can. I’m satisfied at what they are doing within the limitations of a coordinating council but this proves we should have a disaster management,” ani Arroyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?