25

Oct 24, 2020 @ 15:51
By

Direktor Al Quinn pumanaw na

Nagluluksa ang showbiz industry sa pagyao ng isa sa mga pioneering director ng Philippine television na si Al Quinn o Alcuin Gargaritano Pastrano nitong Sabado ng umaga sa edad na 86.

Pumanaw siya sa Las Vegas, Nevada. Hindi pa batid ang cause of death niya.

Nakilala si Quinn sa pagdidirek ng pelikula kung saan bida si late Comedy King Dolphy noong 1970s kabilang ang “Jack and Jill”.

Nasa likod din siya ng mga career nina Nora Aunor, Alma Moreno, German Moreno at Carmen Soriano.

Kabilang sa celebrities na nagluluksa sa pagpanaw ng batikang direktor si Zsa Zsa Padilla.

“We will always remember him with fondness. Aside from being a good friend of Dolphy, he helped me, almost everyone in the business. I would always remember him as a jolly person like Santa Claus, also because of his red cheeks. He had a good personality! He is a big loss to us, he will be missed!” sambit ni Zsa Zsa sa isang ulat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?