7

May 4, 2021 @ 15:36
By

Direktang biyaheng Pilipinas-Israel, kinakasa na

Ikinakasa ng Philippine Airlines (PAL) at bansang Israel ang posibilidad ng pagkakaroon ng direct flight sa pagitan ng Pilipinas at Israel sa darating na Oktubre ngayong taon, ayon sa ulat ng Israeli Embassy sa Maynila nitong Martes, Mayo 4.

Itinuring ni Israel Ministry of Tourism director general Amir Halevi na magiging “game changer” ang pagkakaroon ng direct flight sa pagitan ng dalawang bansa.

“I am pleased to give this important first step to the tourism industry between Israel and the Philippines. Direct flights between our two capitals will be a game-changer for tourism and business connectivity. This time Israel has a unique advantage as a safe and healthy country. We hope to welcome you soon in Israel!,” ani Halevi.

Ang Maynila at siyudad ng Tel Aviv sa Israel ang tinatarget na maging ruta ng direct flight.

Ayon naman sa pamunuan ng PAL, ang planong pagkakaroon ng direct flight papuntang Israel ay dulot umano ng lumalagong interes ng mga Pilipino na pumunta sa naturang bansa, na kilala bilang makasaysayang lugar sa larangan ng relihiyon.

Sa naturang plano, ang mga Pilipinong may pasaporte ay maaaring bumiyahe sa Israel nang walang visa sa loob ng 90 na araw.

Dagdag pa ng PAL, “non-stop flights” ang serbisyong nais nilang ibigay sa mga Pinoy na nais makatuntong sa Holy Land.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?