maldives
By

Direktang biyahe sa PHL-Maldives, vice versa nalalapit na

Sharing is caring!

Abot-kamay na ang mas mabilis at kombinyenteng biyahe sa pagitan ng Pilipinas at Republic of Maldives matapos mapag-usapan ng dalawang bansa ang kasunduan hinggil sa serbisyong panghimpapawid ngayong araw ng Martes.

Sa naturang pag-uusap napagkasunduan ng Pilipinas at Maldives na magkaroon ng inisyal na biyahe ng eroplano papunta at pabalik sa naturang dalawang bansa kada linggo.

Gayunman, lilimitahan ang biyahe ng mga eroplano sa labas ng Metro Manila mula Maldives dahil sa umiiral na “Philippines’ Pocket Open Skies Policy” na nagpapahintulot na makalapag ang mga eroplano na nagmula sa ibang bansa patungo sa iba’t ibang destinasyon sa Pilipinas.

Binuo rin ang Philippine air panel sa pangunguna ng Department of Foreign Affairs at mga kinatawan ng Department of Transportation, Civil Aeronautics Board, Department of Tourism, Department of Trade and Industry at Department of Labor and Employment bilang mga miyembro.

Samantala, binubuo ng chairman, chief executive at senior officials ng Maldives Civil Aviation Authority ang naturang bansa.

Gaya ng Pilipinas, isang tropical nation ang Maldives sa dulong bahagi ng Indian subcontinent. Binubuo ito ng 1,200 isla at reefs, at kilala sa mala-paraiso nitong resorts na umeengganyo sa mga turista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?