87

Apr 27, 2021 @ 18:16
By

Direk Toto Natividad patay sa COVID

Pumanaw dahil sa komplikasyon dulot ng coronavirus ang isang direktor na ngayo’y barangay chairman ng North Bay Boulevard South Kaunlaran sa Navotas City, ayon kay Mayor Toby Tiangco.

Pinagluluksa ni Tiangco ang pagkamatay ni Barangay Captain Federico “Direk Toto” Natividad nitong Abril 27.

“Kahit na senior citizen na at bahagi ng bulnerableng sektor na may mas mataas na tyansang mahawa ng COVID-19, hindi nagpapigil si Kap. Toto sa pangunguna sa pag-asikaso at pangangalaga sa kanyang mga kabarangay. Palagi ang kanyang paalala sa kanyang nasasakupan, mapa-personal o sa social media, na mag-ingat para makaiwas sa sakit,” sambit ni Tiangco sa Facebook post.

Isa na namang masipag na serbisyo publiko at matapat na katuwang ng pamahalaang lungsod sa paglaban sa pandemya ang…

Posted by Toby Tiangco on Monday, April 26, 2021

Kabilang sa mga pelikulang dinirek ni Natividad ang “Utol” (1996), “Suspek” (1999), “Ping Lacson: Super Cop” (2000) at “Anak ni Boy Negro” (1997).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?