87

Jan 4, 2022 @ 15:52
By

Direk Sigfreid pumanaw sa edad 46

Pumanaw na sa edad na 46 ang independent scriptwriter at filmmaker na si Sigfreid Barros-Sanchez.

Nakilala si Direk Sigfreid sa mga pelikulang “Lasponggols” at “Huling Biyahe”.

Sa ulat ng ABS-CBN, sinabi ng asawa niyang si Kaye na namayapa si Direk Sigfreid bandang alas-6 ng gabi noong January 3 sa Philippine Heart Center dahil sa stroke, sakit sa kidney at iba pang komplikasyon.

11 araw aniyang na-comatose ang kanyang mister at tinanong sila ng mga doktor kung ire-revive.

“I said no more dahil bugbog na katawan niya,” saad ni Kaye.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?