44

By

Direk Neal Tan inaayos na ang life story ni ‘Bato’ sa Uniporme Hero Serye

Sharing is caring!

Ngayong Sabado, September 15, ang buhay naman ni PO3 Carlos Bocaig ang mapapanood sa ‘Uniporme Hero Serye’ na pinamagatang ‘PO3 Carlos Bocaig story’.

Tampok dito si Andres Vasquez bilang si PO3 Carlos Bocaig at si Rich Asuncion naman ang gaganap na asawa niyang si Jobelle Bocain. Ang Hero Serye ay mapapanood every Saturday, 3pm sa GMA News TV.

Ang Uniporme Hero Serye ay mula sa pamamahala ni Direk Neal Tan at host dito sina Leonora Sy at PC/Supt Rhodel Sermonia. Si JayR Rosales naman ang Production Head at Assistant Producer.

Si PO3 Bocaig ay madalas na ipinapadala sa mga kritikal na lugar sa Pilipinas. Isa siya sa mga top na pinuno sa Zamboanga Siege 2013 at sa Mamasapano clash noong January 25, 2015. Nakaligtas siya sa madugong bakbakan sa Mamasapano ngunit noong ikatlong anibersaryo ng Mamasapano Incident, namatay siya sa isang grenade explosion sa Piyesta ng La Paz, Abra (January 25, 2018).

Dating tinatawag ng kanyang mga kasama na ‘Achilles’ si PO3 Bocaig. Si Achilles ay isang magaling na bayani sa Greek Mythology. Ayon sa alamat, si Achilles ay may kakaibang lakas at tapang. Siya ang pinakamagaling na mandirigma sa hukbo sa Trojan War.

Samantala, nalaman din namin kay Direk Neal na naka-line-up na isadula rin sa Uniporme ang buhay ni Gen. Ronald dela Rosa na kilala rin bilang si Gen. Bato.

“Naka-schedule na si Gen. Bato for interview, actually excited daw siya.

“Nakasama ko na si Gen. Bato before namin gawin yung pelikulang Men in Uniform, siya yung kauna-unahang nag-endorse niyon,” aniya.

Excited din ba siya na idirek ang life story ni Gen. Bato at sino sa palagay niya ang bagay na gumanap bilang Gen Bato?

“Of course naman honored ako na gawin ang life story niya, pero wala pa akong maisip kung sino ang bagay na gaganap sa role ni General Bato,” esplika pa ni direk Neal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?