By

Direk Louie wagi ng bronze sa New York Festivals

Sharing is caring!

Wagi rin ang mahusay na direktor na si Louie Ignacio ng Bronze World Medal for Direction para sa pelikula niyang ‘Area’ sa katatapos lang na 2018 New York Festivals. Sa Instagram account nito, nagpahayag siya ng pasasalamat sa BG Film Production International, pati na sa buong team at cast ng film.

Samantala, successful din ang latest movie niyang ‘Almost A Love Story’ na pinagbibidahan nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio. Maganda ang feedback at maraming kinilig at naiyak sa kwento.

Perfect din na sa Italy ang naging setting dahil napaka-picturesque ika nga ng lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?