18

Direk Bobot suportado ang mga ‘anak’

Sharing is caring!

Hindi pinalampas ni Direk Bobot Mortiz ang premiere night ng Class of 2018.

Sinuportahan ng direktor ang kaniyang Goin’ Bulilit babies na sina Sharlene San Pedro, Nash Aguas, CJ Navato, Kristel Fulgar, at Kiray Celis.

Tuwang-tuwa ang mga movie star sa pagpunta ng kanilang mentor sa premiere night ng kanilang pelikula noong Martes sa Trinoma Mall.

Agaw-pansin naman si Kiray na panay ang pose sa red carpet habang nakasuot ng fitted backless green gown.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?