49
abante-tnt-vismin-jameson-blake-janella-salvador
By

Director ng ‘So Connected,’ ‘di naniniwala sa love teams

Sharing is caring!

Taliwas sa mga napapanood nating love teams mula sa Star Cinema, Viva Films at iba pang film outfits, ang Regal Entertainment nina Mother Lily at Roselle Monteverde ay sumugal sa partnership nina Janella Salvador at Jameson Blake sa pelikulang “So Connected” na isinulat at dinirehe ni Jason Paul Laxamana.

Natatandaan naming sinabi ni Direk Paul nu’ng presscon ng movie sa Valencia Events Place na hindi siya naniniwala sa love teams at nagpaliwanag siya kung paano napili ang dalawang bida sa pelikula.

“We were talking- kami ni Ms. Roselle- kung sino ‘yung babagay sa material,” simula ng direktor.

Dagdag eksplinasyon ni Direk Jason, “And if you look at my past filmography, hindi ako gumagamit ng love teams, primarily, because, for me, medyo predictable ‘yung story kapag love team ‘yung ginamit mo kasi alam mo na kung paano mag-i-end-up.”

Sa kuwento pa ng Cinemalaya Best Director winner, “Pumili talaga ako kung sino ‘yung babagay sa role. At may capability to deliver, hence, we picked up an offbeat team-up, sina Janella at Jameson.”

Ayon pa sa kanya, kuntento siya sa performance nina Janella at Jameson.

“Of course,” wika niya. “Kaya nila. Sabi ko nga sa last presscon, I don’t believe on chemistry, I believe in acting!”

A day before its special screening at Gateway Platinum Cinema kung saan napaka-positibo ng pagtanggap ng press at premiere night (magaganap tonight) sa SM Megamall, Direk Jason tweeted this.

Sabi niya, “So ayun na ngaaaa. Napanuod ko na kahapon ang kumpletong #SoConnected. I’m both thrilled and nervous for people to see it. And hear it. Whatever the result, I’ll be proud of this film. See ya on May 23 when it opens in cinemas! Congrats cast and crew!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?