By

‘Diplomatic actions’ ng gobyerno sa WPS, isapubliko – Hontiveros

Sharing is caring!

Iginiit ni Senadora Risa Hontiveros sa Malacanang na maging transparent sa diumano’y diplomatic actions nito kaugnay ng militarisasyon ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon sa senadora, tungkulin ni Pangulong Rodrigl Duterte at ng kaniyang foreign affairs officials na ipaalam at ipaliwanag sa publiko ang mga ginagawa ng gobyerno upang hindi manganib ang bansa sa militarisasyon ng teritoryo.

Kailangan din umanong malaman ng taumbayan ang mga ginagawa ng pamahalaan para makasiguro na hindi banta sa seguridad ng Pilipinas ang pagpapapasok ng China ng missile system at bomber planes sa mga bahura ng WPS na tuluyan na nilang sinakop at tinayuan ng paliparan.

Kailangan din aniya na may impormasyon ang taumbayan sa ginagawa ng gobyerno para matantya ang pagsuporta rito.

Ayon sa senadora, ang pananahimik ng gobyerno sa ginagawa ng China at ang kawalan nito ng transparency sa pagtugon sa militarisasyon ng China ay hindi humihikayat ng tiwala ng publiko.

Nagbibigay pa umano ito ng mensahe na yumuyukod ang gobyerno sa China.

“This is not the time for opacity and silence. Silence gives consent to China’s transgressions. Silence is subservience,” ani Hontiveros.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?