Diplomat car nagliyab sa Makati

Sharing is caring!

Isang luxury car ang nagliyab at nagdulot na matinding pagsisikip ng trapiko sa northbound ng EDSA-Buendia sa Makati Lunes ng gabi.

Sabi sa report ng “Saksi” ng GMA 7, nangyari ang sunog alas-9:33 ng gabi at naapula ito matapos ang 45 minuto.

Ayon sa report ni James Agustin for Super Radyo’s dzBB, rumesponde ang isang traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority kung saan gumamit ito ng fire extinguisher subalit hindi iyon sapat apulahin ang apoy.

Nakontrol ang apoy nang dumating ang mga bumbero.

Nakalabas naman ang driver ng Indonesian sa kotse at hindi nasakatan. Hindi pa pinangalan ang driver ng diplomat car.

Nabatid na nagmula ang sunod sa ilalim na bahagi ng kotse. Iniimbestigahan pa itong mabuti ng mga awtoridad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?