195

Dec 22, 2017 @ 13:36

Diploma sa Paris university, nakuha na ni KC

Matapos ang 10 taon mula nang grumadweyt sa kolehiyo ay nakuha na ni KC Concepcion ang kanyang diploma

Nakapagtapos ng degree sa International Communications sa American University sa Paris noong Agosto 9, 2007 ang anak nina Megastar Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.
“It’s been 10 long yeas and they never sent it to me. So I took it upon myself to go and pick it up. So I feel like I just officially graduated today. Time to do my master’s [degree] soon,” ani KC sa kanyang Instagram account.

Payo umano sa kanya ng amang si Gabby ay magtrabaho agad upang hindi masayang ang kanyang pinag-aralan.

“After graduation, my dad told me to ‘hit the ground running.’ He meant to not laze around after earning your degree, but to get work ASAP! It was the best push ever,” sabi pa ni KC.

Aniya, hindi umano niya nakuha ang kanyang diploma dahil sa naging abala siya.

“It was in the university vault all this time since 2007,” sabi pa nito.

“This deserves a nice raclette + wine dinner & some really good quality Parisian chocolate.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?