137
jolo-revilla1
By

Diploma sa Legal Studies sa Lyceum, tinanggap ni Jolo Revilla

Sharing is caring!

Bahagi ng Batch 2018 ng Lyceum of the Philippines University (Cavite campus) ang incumbent Cavite Vice-Governor na si Jolo Revilla (Ramon Jolo Bautista Revilla, III) at kahapon ng umaga sa Philippine International Convention Center (PICC), tinanggap niya ang kanyang diploma kasama ang iba pang graduates ng naturang eskuwelahan.

Sa pamamagitan ng ETEEP (Extended Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program) ng CHED (Commision on Higher Education), tinapos ni VG Jolo ang kursong Bachelor of Arts Major in Legal Studies.

Sa kanyang Instagram post, aniya, “Being a public servant, actor and a student all at the same time is a great challenge. Pero tulad ng marami sa inyo, I made it. Kapag ginusto, kahit mahirap, hindi lang kakayanin, mapagtatagumpayan pa!”

“Together with my fellow graduates, I’m taking a stand to serve our country by helping make education accessible to all. Lumang tugtugin man pero totoo, education is the only key to alleviate poverty,” dugtong ng actor-turned politician.

Ibinahagi ng anak nina Bacoor City Mayor Lani Mercado at former senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. ang diploma sa kanyang mga magulang, kaibigan at mga mahal sa buhay.

“To my mom, accept my love and gratitude. To my dad, this is my advanced Father’s Day gift to you. To my friends and loved ones, along with the people who helped me up the steps of the latter to reach this moment, I humbly share this milestone which will always remins me that at the face of challenges, you believed that I can make it,” winika pa ng bise-gobernador ng Cavite.

Nag-post din ng photo si Mayor Lani kasama ang anak at sabi niya sa caption, “Thru ETEEAP (Expanded Tertiary Education Equivalency and Acceeditation Program) of Lyceum of the Philippines University Cavite Campus my @jolo_revilla was given a chance to combine career and studies. Congrats anak! You make us proud!”

Samantala, regular ngayong napapanood si Jolo sa “FPJ’s Ang Probinsiya” ni Coco Martin at tinatapos din niya ang comeback film ng Imus Productions na “72 Oras” na kung saan bida rin sa pelikula ang mga kapatid niyang sina Bryan at Luigi Revilla.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?