46

Feb 25, 2021 @ 17:02
By

Dionne Monsanto babush na sa showbiz

Inanunsyo ni Kapamilya actress Dionne Monsanto sa “Magandang Buhay” na kakalas na siya industriya ng showbiz.

https://www.instagram.com/p/CLRUkZOnEk_/?igshid=822mmmclwpbd

“I want to say thank you so much. This is my last guesting ’cause I’m retiring. I am already retired. ‘Hello, Stranger’ is actually my last project and this is my last guesting. So, thank you so much ‘Magandang Buhay,'” anang dating Pinoy Big Brother housemate.

https://www.instagram.com/p/CLrPzlSnZo6/?igshid=1dipijmos11id

Aniya, lilipad na kasi siya patungong Switzerland upang doon na manirahan kasama ang kanyang nobyo na si Ryan Stalder.

Nito lamang unang linggo ng Pebrero nang isapubliko ni Monsanto ang engagement nila ng kanyang fiancè.

Magugunitang tumatak ang aktres sa pagganap niya bilang si “Lucy” sa drama series na “Tubig at Langis.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?