39

Jun 18, 2019 @ 22:50
By ,

Dionisio nagtrabaho, Manila inararo ang QC

Isang layup sa final 11 seconds at pagbutata sa potensiyal na basket ni Peejay Barua makaraan ang tatlong segundo ang kinayod ni Aris Dionisio upang kumpletuhin ang pag-ahon ng Manila Stars sa second quarter 15 points down at ‘di sukat akalain pang alpas kontra Quezon City Capitals, 86-85, Martes ng gabi sa Ynares Center sa Antipolo City.

Napabilang ang MS sa pitong may magarang binyag na team sa 3rd Maharlika Pilipinas Basketball Lague 2019-20 Lakan Cup eliminations. Sa gayung numero ring nahanay sa mga luhaan ang QCC.

Nirolyo ni reigning Defensive Player of the Year, shooting guard Dionisio ang makinang gabi sa team bests 21 points at 12 rebounds habang bakas ang nakaliskisan unang pagkakataon sa liga na si Marvin Lee ng 17 markers at 5 boards.

Arangkada rin bagong recruit na si Carlo Lastimosa ng 12 pts.

“Siguro nahirapan kami sa mga three-points shot nila sa labas, hindi kami nakakahabol sa mga tira nila kaya nahirapan kami,” ani Dionisio, na naiwan ang kinaaanibang batalyon sa 21-36, 6:16 sa second stanza.

Saltong binalikat ni John Tayongtong ang Qujezon City sa 16 pts. na may palamang 8 assists at 2 rebs. rebounds.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?