66

Jun 14, 2020 @ 15:34

Dionela pa-wow sa indakan

HINDI lang sa indoor volleyball pangmalakasan si Philippine SuperLiga (PSL) star Angelique Beatriz’Jheck’ Dionela kundi pati rin sa sayawan.

Tumodo ang Cignal HD Spikers libero sa kanyang marikit na dance challenge sa TikTok na kanyang ipinost kahapon sa Instagram.

Kahit ang kanyang mga fan ay napahanga sa paggiling ng 29 na taong-gulang, may taas na 4-11na dalaga.

Komento ni @lincolnsteve.plata “Ibang-iba sa mga nakita kong sumayaw nyan napakaganda! ”

“Galing na libero tapos galing pa sumayaw. Uwian na my nanalo na, ” hirit ni @pungayangeles.

Pinahabol naman ni @eiron1008 “Galing ni idol, kahit paulit-ulit panoorin, di nakakasawa.” (Janiel Abby Toralba)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?