2,439

May 20, 2019 @ 16:34
By

Diokno, posibleng presidential bet ng oposisyon sa 2022 kung…

Posible umanong si human rights lawyer Chel Diokno ang dadalhing pambato ng oposisyon sa 2022 elections kung mapagdesisyunan nina Mar Roxas at Vice President Leni Robredo na hindi tumakbo.

“If Mar Roxas will bow out, and considering Leni Robredo will be embattled and might decide not to compete in 2022, then Middle will be leaderless. Means Chel Diokno will be a man to watch because only he bridges seemingly insurmountable EDSA-Left divide of past 3 decades,” ayon sa tweet ni dating Presidential Communication Undersecretary Manolo Quezon.

Dagdag pa niya, ang silbi umano ng pagtakbo ni Diokno ay naipakilala ang pangalan niya at kuwento ng mga Diokno sa bagong henerasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?