76

By

Diokno pina-subpoena ng Kamara

Inisyuhan ng subpoena ng Kamara si Budget Secretary Benjamin Diokno para sumipot sa committee hearing kaugnay sa P75 billion umanong insertions sa panukalang 2019 budget.

Ayon kay Leyte Rep. Vicente Veloso, ito umano ay matapos hindi dumalo sa ikalimang pagkakataon si Diokno sa pagdinig.

Dapat umanong sagutin ni Diokno ang umano’y insertion na P75 billion sa 2019 budget ng Department of Public Works and Highways para paboran umano ang in-laws ng una.

Ang in-laws ni Diokno ay nagtatrabaho bilang government contractors sa Bicol.

Nauna na nitong itinanggi na may iregularidad sa nadagdag sa infrastructure funding.

Sinabi pa nitong wala siyang intensiyong bastusin ang Kamara o anumang komite nito, hindi lang umano siya nakadalo dahil may nakaiskedyul na siyang official commitments na hindi maaaring kanselahin.

Noong nakaraang linggo nang isyuhan ng House panel ng show cause order si Diokno para magpaliwanag naman kung bakit hindi ito dapat i-contempt sa pang-iisnab sa House inquiry.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?