70
benjamin-diokno
Jan 8, 2019 @ 14:18
By

Diokno, oobligahing maglabas ng pondo para sa umento

Kinokonsidera ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr., ang paghahain ng mandamus sa Korte Suprema laban kay Budget Sec. Benjamin Diokno.

Ito ay para maobliga ang kalihim na maglabas ng pondo para sa dagdag-sahod ng mga sundalo, pulis at guro sa pampublikong paaralan at iba pang civilian employees.

Katuwiran ni Andaya, gumagamit na kasi ngayon ng “scare tactic” si Diokno para apurahin sa Senado at Kamara na aprubahan ang panukalang 2019 national budget.

Iginiit ng kongresista na lalong mayroong spending authority ang Department of Budget and Management (DBM) dahil nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Joint Resolution No. 3, na nagpapalawig sa bisa ng 2018 budget hanggang sa maaprubahan ng dalawang kapulungan ang pambansang pondo para ngayong taon.

Ibig sabihin, magagawan aniya ng paraan ng DBM ang pagtupad sa salary increase kahit pa reenacted ang budget.

Ipinaalala ni Andaya na naipatupad ang unang round ng salary increase para sa uniformed personnel noong 2018 kahit pa walang specific budget para rito sa budget proposal noong nakaraang taon.

“Considering the fact that the cash budget proposal this year is the same as last year, then a reenacted budget covers the needed funding fort the salary increases,” sabi ni Andaya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?