212

Nov 25, 2021 @ 21:37
By

Diokno: Ninakaw ng mga Marcos hindi fake news

Hindi gawa-gawa lamang kundi katotohanan ang ill-gotten wealth ng pamilya Marcos, ayon kay senatorial aspirant Atty. Chel Diokno.

“Mayroon nang desisyon ang ating Korte Suprema final judgement na po ‘yan,” pahayag ni Diokno sa Politiskoop.

“Nagkaroon ng ill-gotten wealth ang mga Marcos to the tune of over 600 million dollars. ‘Yan ay hindi puwedeng sabihin ng kampo nila na gawa-gawa lang ‘yun dahil mismong desisyon ng ating Korte Suprema ‘yan.

“That is the biggest evidence of ill-gotten wealth. Binigyan sila ng pagkakataon na patunayan na wala silang ganoon and yet ayan ang naging desisyon ng ating Supreme Court. To me it is fact. Fake news ‘yung sinasabi nilang wala naman daw kaso,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?