121
Diokno nanumpa na bilang Bangko Sentral governor
Mar 6, 2019 @ 20:34
By

Diokno nanumpa na bilang Bangko Sentral governor

Nanumpa kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang si dating Budget secretary Benjamin Diokno bilang bagong Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) governor.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, isinagawa ang oath-taking ni Dioko pasado alas-sais ng gabi nitong Marso 6.

Pinalitan ni Diokno sa BSP si Nestor Espenilla Jr., na namayapa noong Pebrero 23 sa edad na 60.

Napili umano ng Pangulo si Diokno dahil sa integridad nito, kakayahan at kadalubhasaan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?