183

Apr 2, 2019 @ 17:23
By

Diokno nangibabaw sa mock election para sa mga senador

Nanguna sa isinagawang mock senatorial election ng University of San Carlos, School of Law and Governance ang abogadong si Chel Diokno.

Nakakuha si Diokno ng 495 na boto habang ang sumunod sa kanyang si Pilo Hilbay ay may nahamig na 364 na boto.

Pumangatlo sa kanila si Neri Colmenares sa 332 na boto.

Dominante naman ng mga kandidato ng Otso Diretso ang Magic 12.

Pasok sa Magic 12 sina Samira Gutoc (332 votes), Senadora Grace Poe (331 votes), Senador Bam Aquino (278 votes), Serge Osmeña (274 vote), Erin Tañada (246 votes), Pia Cayetano (242 votes), Koko Pimentel (204 votes), Mar Roxas (183 votes), Sonny Angara (169 votes) at Gary Alejano (114 votes).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?