243

Apr 9, 2020 @ 23:06
By

Diokno may pa-libreng konsultasyon sa batas

Para makatulong sa krisis sa COVID-19 sa bansa, naglunsad si dating senatorial bet Chel Diokno ng Facebook group kung saan maaaring magtanong ang mga netizen sa kanya.

Kabilang sa maaaring ikonsulta sa FB account na VALOR 19 ang tungkol sa quarantine, usaping trabaho, malayang pagpapahayag online, karapatang pantao at ayuda ng gobyerno.

Ito’y sa pakikipagtulungan niya sa Office of the Vice President at mga volunteer lawyer at law student.

Ang layunin nila ay bigyang-linaw ang batas para sa mga mamamayan at makatulong sa pananaig ng batas at demokrasya.

(IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?